MALOLOS, BULACAN – Inihiyag kahapon ni Bulacan Governor Daniel Fernando na nagpositibo siya sa coronavirus disease at agad na nag-self-quarantine sa kanyang Official Residence (OR) upang maipagpatuloy pa rin kanyang serbisyo sa publiko partikular na sa pagtugon sa pandemiya.
Si Fernando, 57-anyos, ay positive-asymptomatic base sa kanyang real-time polymerase chain reaction (RT-PCR) result na lumabas noong Huwebes (Agosto 28).
“The governor appeared to be in high spirits and he has experienced no symptoms over the past 24 hours. Face-to-face interaction with the public will be temporarily suspended for the duration of the two-week isolation, ” pahayag ni Katrina Bernardo, governor’s executive secretary, na naka-self-quarantine din.
Hinihinalang nahawa si Fernando sa isang board member ng Sangguniang Panlalawigan na si ABC President Bokal Ramil Capistrano na ilang ulit na nakasalamuha ng gobernador sa ilang official functions, na unang nagpositibo sa naturang virus.
“I took the initiative to have myself tested after the close contact with said local official. Let us be mindful that even world leaders and top government officials have been infected with the virus, as it spares no one and is a disrespected of individuals, whoever they are. I therefore call on everyone to act responsibly and continue to observe health standards and protocols to save lives,” ayon kay Governor Fernando.
Agad ding ipinag-utos ng gobernador and strict contact tracing sa mga naka-close contact nito at nanawagan sa mga ito lalo na sa mga nakararanas ng sintomas, na agad na makipag-ugnayan sa Provincial Health Office upang maisagawa ang proper testing protocols.
Pinaalalahanan din ni Fernando ang kanyang mga kababayan na patuloy na isagawa ang minimum health protocols kabilang ang pagsusuot ng face masks/face shields, maintaining one-meter distance, frequent hand washing, at manatili sa bahay kung walang importanteng gagawin sa labas. Ito aniya ang mabisang paraan upang makaiwas o hindi mahawaan ng virus.
Tiniyak ni Fernando sa mga Bulakenyos ang full operation ng Provincial Government of Bulacan at ang basic services sa mga ito ay hindi mahihinto at magpapatuloy pa rin sa pamamagitan ng minimal face-to-face interaction at susundin ang strict health protocols.
Ayon kay Bernardo, lahat ng mga close-in security ng gobernador ay kasalukuyan nang naka-self quarantine at isasailalim sa swab testing.
Sa huling tala ng Provincial Health Office, 1,247 na ang total COVID active cases sa Bulacan habang 1,354 ang nakarekober at 69 ang namatay, sa may kabuuang 2,670 kaso. (ELOISA SILVERIO)
150
