BINALAAN ng EcoWaste Foundation ang mga mamimili sa Quiapo at Divisoria na huwag bumili ng produktong “virus shut out” dahil hindi siguradong mabisa ito laban sa coronavirus disease-2019 (COVID-19).
Ayon kay Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng EcoWaste Coalition, ang virus shut out ay naglalaman ng “small sterilization packet with string and is worn around the neck like a badge or ID.
The packet may contain chlorine dioxide, a bacterial disinfectant that should not be used near the face.”
Ani Dizon, pinapayuhan ng EcoWaste ang publiko na maging maingat sa pagbili ng mga produktong walang matibay na batayan na makukontra nito ang virus.
“Wearing this sterilization card may only give you a false sense of security against COVID-19,” patuloy ni Dizon.
Ang virus shut out na gawa umano sa Japan ay nabibili sa Quiapo at Divisoria mula sa halagang P80 hanggang P250 bawat isa, susog ni Dizon. (NELSON S. BADILLA)
332
