HEIGHT REQUIREMENT SA PNP, BFP, BUCOR AALISIN

SINANG-AYUNAN sa Senado ang panukalang alisin ang pagkakaroon ng height requirement sa mga nais maging pulis at bumbero sa bansa.

“Hindi nasusukat sa tangkad ang pagsisilbi sa kapwa Pilipino,” ayon kay Senador Christopher Bong Go kasabay ng paghahayag ng kanyang pagsang-ayon sa panukala ni Senador Ronald Bato dela Rosa na nag-aalis sa minimum height requirements ng mga aplikante sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Corrections (Bucor).

Pinuri rin ni Go ang panukala ni Dela Rosa dahil malaking tulong aniya ito na mapalakas ang law enforcement ng bansa gayundin ang firefighting forces at iba pang first-responders sa mga panahon ng kalamidad at iba pang emergencies.

Aniya, mabibigyan ng pagkakataon ang mga gustong magsilbi sa bayan kahit kulang ang requirements tulad ng problema sa tangkad na hindi nabibigyan ng pagkakataon. (NOEL ABUEL)

110

Related posts

Leave a Comment