MAGUINDANAO – Anim na mga miyembro ng local terrorist group (LTG) na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), ang nagbalik loob sa gobyerno matapos na sumuko sa mga tropa ng 40th Infantry Battalion sa lalawigang ito, iniulat kahapon.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division commander, Maj. Gen. Juvymax R. Uy, siya ring pinuno ng Task Force Central, ang sumukong mga rebelde ay kinilalang sina Rogial Manalasal, Talusan Manalasal, Bin Batingkal, Omar Manalasal, Sangutin Kabilan at Montasir Kanao.
Ang mga ito ay dating kasapi ng Karialan faction na mga residente ng Barangay Midconding at Barangay Kulasi, ng bayan ng General Salipada K. Pendatun, sa nabanggit na lalawigan.
Kasamang isinuko ng mga dating BIFF ang kanilang mga armas na Garand rifle, homemade Barrette rifle, homemade RPG, at M79 grenade launcher.
Ang anim ay iprenesinta ng 40TH IB kay Maj. Gen. Uy, ala-1:30 ng hapon noong Biyernes sa isang simpleng seremonya.
Gutom at pagod ang ilan sa mga mga dahilan ng pagsuko sa gobyerno ng mga dating rebelde, gayundin ang patuloy na opensiba ng military sa kanilang pinagkukutaan. (BONG PAULO)
155
