KARPINTERO TIMBOG SA ARSON

INARESTO sa bisa ng warrant of arrest ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang 57-anyos na karpintero dahil sa kasong arson sa Tondo, Manila.

Ayon sa ulat ng Manila Police District-Special Mayor Reaction’s Team (SMaRT) na isinumite kay P/Major Rosalino Ibay, Jr,, bandang 9:40 ng umaga nitong Sabado, Oktubre 17, nang arestuhin ang suspek na si Rolando Viray y Ami, may kinakasama, residente sa #2608 Lico St., Tondo, Manila.

Dinakip ang suspek ng mga awtoridad na armado ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Lily Joy Labayo-Patria, acting Presiding Judge  ng Manila Regional Trial Court Branch 28, sa kasong Arson.

Sa pakikipagtulungan ni Willy Mandeja, punong barangay ng Brgy. 363 Zone 37, hindi nakapalag ang suspek nang bitbitin ng mga awtoridad mula sa barangay hall.

Pinangunahan ni P/Major Cicero Pura, deputy chief ng MPD-SMaRT, ang pag-aresto sa suspek makaraang makatanggap ng impormasyon hinggil sa kinaroonan nito. (RENE CRISOSTOMO)

253

Related posts

Leave a Comment