2 PA PATAY SA COVID SA MALABON

PATAY ang dalawang COVID-19 patients sa lungsod ng Malabon at 71 ang nadagdag na bagong kaso noong Miyerkoles, Oktrubre 21.

Ayon sa City Health Department, nagkaroon ng tig-isang namatay na pasyente ang mga barangay ng Maysilo at Santulan, ang pang-204 at 205 na pandemic fatalities ng lungsod.

Samantala 5,400 na ang nagpositibo sa COVID sa lungsod, 191 dito ang active cases.

Ang mga bagong nasapol ng COVID ay naitala sa Barangay Acacia (1), Baritan (2), Bayan-bayanan (1), Catmon (5), Hulong Duhat (1), Longos (10), Maysilo (1), Panghulo (2), Potrero (18), Santulan (7), Tañong (3), Tinajeros (1), Tonsuya (3), at Tugatog (16).

Sa kabilang banda, 20 pasyente naman ang gumaling. Sila ay mula sa Barangays Bayan-bayanan (1), Longos (13), Panghulo (1), Potrero (1), Tonsuya (2), at Tugatog (2). Sa kabuuan ay 5,004 ang recovered patients sa lungsod.

Nabawasan naman ang bilang ng recoveries ng Barangay Ibaba dahil isang pasyente ang kinakitaan muli ng sintomas kaya’t sumailalim sa swab test. (ALAIN AJERO)

174

Related posts

Leave a Comment