Nasilip sa Senado P42-M ‘SINGIT’ NG KAMARA SA 2021 BUDGET

NATUKLASAN ni Senador Panfilo Lacson na may tig-iisang milyong pondo na isiningit ng mababang kapulungan sa 42 distrito sa General Appropriation Bill para sa 2021.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na nakita ng Senate committee on finance ang naturang pondo na pare-pareho kada distrito na ikinokonsiderang “singit” at wala sa isinumite ng Palasyo.

“May nakita pa kami na P1 million uniformly appropriated to several districts. I think around 42 districts all over the country,” aniya.

“So what does that mean? Ibig sabihin ito yung insertions na nga but inserted already not anymore under the General Appropriations Bill in Congress but dun sa NEP (National Expenditure Program) as submitted very late ng DPWH,” giit pa ng senador.

Naunang ibinulgar ni Lacson ang P396 bilyon na lump sum appropriation na nakalagay sa panukalang badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 2021.

Sinabi ni Lacson na kalaunan, nagsumite ang DPWH ng breakdown sa Department of Budget and Management (DBM), na isinumite naman sa Kongreso.

Pero, sinabi ni Lacson na dumating ang isinumiteng breakdown ng DBM na lampas na sa 12 araw na kailangan sa 3-day period simula sa original submission ng NEP na nagtapos noong Agosto 26.

Naisumite ng DBM ang breakdown sa Kongreso noong Setyembre 7.

“Dapat yun ginawa na lang sa House, dun sa kanilang House version. But it seems that as per information coming some congressmen themselves, there was a lot of haggling that went on between the DPWH and some congressmen so much so that DPWH was not able to submit on time,” giit niya.

“So following that assumption na merong haggling, galing na nga talaga sa mga congressmen yung breakdown na sinubmit ng DPWH na nag-increase nga yung mga local projects specially multi-purpose buildings,” ayon kay Lacson.

Aniya, nakalaan ang P67 bilyong badyet para sa multi-purpose building. (ESTONG REYES)

287

Related posts

Leave a Comment