TINITINGNAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang muling pagbubukas ng imbestigasyon sa mga corruption scandal sa nakalipas na administrasyon na tumutugis sa pamahalaan kabilang na ang “infamous toilet project”.
Sa public address ng pangulo, Huwebes ng gabi ay sinabi nito na ang maanomalyang proyektong ito at iba pang kuwestiyonableng programa ay maaaring maging bahagi ng kanyang pinakabagong kampanya laban sa korapsyon.
Tinukoy ng Punong Ehekutibo ang lumang isyu ng restrooms o banyo na itinayo sa Philippine National Railways (PNR) España station na inilagay nang walang dividers “for privacy.”
Ang proyekto na sinimulan sa ilalim ni dating Pangulong Benigno Aquino III ay ginamit ng mga supporter ni Pangulong Duterte para bigyang-diin ang diumano’y incompetence o kawalan ng kakayahan ng nakalipas na administrasyon.
“Ang pinakamarami (issues) itong road right of way na hanggang ngayon, ewan ko kung anong nangyari there was this scandal somewhere in Cotabato, I remember it but I, I am remembering it now.. tignan ko kung… tanungin ko ang DPWH kung ano ang nangyari doon, or I will have it reinvestigated,” ayon kay Pangulong Duterte.
“Karamihan mga ghost projects. ‘Yan ang ano dyan, ‘yong iba naman kagaya ng public works na nakita ninyo, ‘yong kubeta na walang cover na puro nakahilera lang ‘yong bowl, inodoro, walang division, wala lahat, ‘yon ‘yong mga putang inang klase ng trabaho. So ‘yong gano’n, balikan ko ‘yon,” aniya pa rin.
Kaya binalaan nito ang mga tiwaling opisyal na maaaring sangkot sa mga lumang usapin at nananatiling nagtatrabaho sa kani-kanilang kinauukulang ahensiya na magbitiw sa puwesto dahil talagang hahabulin aniya ang mga ito.
Taong 2018, ang Department of Transportation na nangangasiwa sa PNR ay nagpahayag na ang mga proyekto ay bahagi ng Kayo ang Boss Ko (KBK) toilet initiative noong 2012 na naiwan namang hindi tapos o nakatengga.
“I’d like to remind anybody sa DPWH who has had a participation there being the investigator or connected with the construction, you better, you report to me. Tanungin ko kayo kung paano ako magdumi.. kung ganito para kaming classmates, seatmates kami, putang ina,” ayon sa pangulo.
“Kalokohan, kabastusan talaga ng… I’m sure government would not allow that kind of project, no engineering department or the engineer themselves would be too crazy to do that. ‘Yon ang mga project na hao siao, ‘yang partial delivery or ‘yong halos ibigay sa’yo,” dagdag na pahayag nito.
Ukol naman sa tanong kung ang anti-corruption drive ay tila huli na para sa usaping ito dahil nakatuon ang pansin ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic, binigyang-diin ng pangulo na may panahon para rito.
“Ang ibang kasalanan, okay lang pero itong mga ghost projects, mga project na wala dyan, karamihan dyan ‘yong mga health centers. Wala ‘yan, tip lang ‘yan, ngayon kung ‘yan ang ginawa niyo, that’s shortchanging government,” diin pa ng chief executive.
“You will go to jail for that, I have two years to do it, and about six months to file all the charges,” pagtiyak pa nito. (CHRISTIAN DALE)
331
