WARRANT OF ARREST KAY PDU30 ISPEKULASYON LANG – ROQUE

“THAT’S speculative.”

Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Harry Roque sa ulat na magpapalabas ng warrant arrest ang International Criminal Court para kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte bago matapos ang taong 2020.

Nakitaan diumano ng ICC ng ‘reasonable basis’ sa sinasabing crimes against humanity ang drug war ng Pilipinas.

“That’s speculative po; but in any case, gawin nila ang gusto nilang gawin. Sinabi na natin, hindi natin kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC,” ayon kay Sec. Roque.

“Kampante po kami na dahil sinabi na natin iyan ay ia-apply ng ICC iyong naging ruling na nila sa isang kaso. Na bakit ka pa magsisimula ng kaso, kung hindi ka naman makipagtulungan, iyong bansa na naging miyembro ng ICC. Desisyon po iyan ng ICC mismo, pre-trial chamber doon po sa kaso na nais nilang mag-imbestiga laban sa mga Amerikano,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Kumpiyansa aniya sya na ia-apply rin ang nasabing prinsipyo kay Pangulong Duterte.

“Speculative at bahala po ang prosecutor kung gusto niyang magkaroon na naman ng pangalawang ruling na hindi pupuwedeng mag-imbestiga kung walang kooperasyon,” anito.

Matatandaan na noong Pebrero 2018 ay nagkasa ng preliminary probe si Prosecutor Fatou Bensouda ukol sa mga nasawing umanoy drug suspek at tulak, at mga umano’y nanlaban sa mga pulis sa ikinasang war on drugs ng gobyerno ng Pilipinas.

“The Office is satisfied that information available provides a reasonable basis to believe that the crimes against humanity of murder (article 7(1)(a)), torture (article 7(1)(f)) and the infliction of serious physical injury and mental harm as other inhumane Acts (article 7(1)(k)) were committed on the territory of the Philippines 48 between at least 1 July 2016 and 16 March 2019, in connection to the WoD campaign launched throughout the country,” ani Bensouda sa report na inilabas nitong Martes.

Matatandaan na umalis ang Pilipinas noong Marso 2019 sa ICC, sa kabila nito ipinagpatuloy ng natatanging war crimes tribunal sa mundo ang imbestigasyon ukol sa drug war. (CHRISTIAN DALE)

178

Related posts

Leave a Comment