Abogado, huwes, isa-isang tinutumba LAW ENFORCERS MAGTRABAHO KAYO – NOGRALES

KINASTIGO ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang mga law enforcer dahil sa kabiguang pigilan ang kriminalidad sa bansa kasunod ng pamamaslang sa isa na namang law worker sa Cebu noong isang linggo.

Si Atty. Baby Marie Concepcion Landero-Ole ay inambush at napatay sa Danao City Highway noong Disyembre 17, at ikalawang abogado na namatay sa Cebu sa loob ng isang buwan.
“At this point we have to ask what the authorities are doing about the spate of killings of law workers. We are not asking for special protection—rather, we wish to remind our authorities to do their jobs,” ani Nograles.

Ayon sa mambabatas, patuloy na tumataas ang bilang ng mga abogado, prosecutors at judges na pinatay mula noong 2016 at ika-54 si Landero-Ole kaya dapat maging aktibo aniya ang mga law enforcement agency sa pagpigil sa mga ganitong uri ng krimen.

“Failure to protect law workers isn’t just a failure to protect a special branch, but the whole populace,” ani Nograles na isang Harward trained-lawyer.

Halos lahat ng mga biktima ay pinatay kahit maliwanag pa na isang indikasyon na may pagkukulang ang mga law enforcer sa pagpapatupad ng kanilang trabaho na protektahan ang mamamayan laban sa anomang kriminalidad.

“May ginagawa ba tayo para usigin ang mga gun-for-hire syndicate at para maresolba ang mga nakaraang kaso at ano na lang ang nangyari sa police visibility na nagagawa ng mga kriminal na pumaslang sa kasagsagan ng araw? Kahit makadakip ng suspek parang hindi na natin nagagawa,” dismayadong pahayag pa ng mambabatas.

Dahil dito, umapela ang mambabatas sa mga law enforcement agency na magsalita ukol sa mga ganitong kriminalidad upang tiyakin sa mamamayang Pilipino na ginagawa nila ang kanilang trabaho para masiguro ang kaligtasan ng lahat.

“Ano ba ang plano? Can we rely on our police to protect us, or must we take steps to defend ourselves? We need to hear from our law enforcement agencies what they mean to do, and we need to see concrete action soon,” ayon pa kay Nograles. (BERNARD TAGUINOD)

157

Related posts

Leave a Comment