Sumawsaw sa isyu ng ABS-CBN franchise MEDIA FIRMS INISMOL NI PANGILINAN

MISTULANG minaliit ng pangulo ng Liberal Party (LP) ang ibang kumpanya ng media nang iwasiwas nito ang ideyang kapos sa eksakto at tamang impormasyon hinggil sa COVID-19 sa bansa nang wakasan ang prangkisa ng ABS-CBN Corporation.

Sa kanyang kalatas, inihayag ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na: “part of the reason that the pandemic has not been put under control in the Philippines is the lack of an information network that gives accurate and timely facts and stories to help people make sound decisions”.

Malinaw sa pahayag na ito na binatikos at minaliit ni Pangilinan ang ibang kumpanya ng telebisyon tulad ng GMA-7, TV 5, PTV 4 at iba pa sa pagbabalita hinggil sa COVID-19 nang sakyan niya ang ‘patok’ na isyu ng kumpanya ng pamilya Lopez.

Nabenggahan din ni Pangilinan maging ang mga himpilan ng radyo at mga pahayagan na pawang beterano na sa pagkuha ng mga balita.

Ang asawa ni Pangilinan na si Sharon Cuneta ay napakatagal na naging empleyado ng ABS-CBN Corporation.

Ang impormasyon tungkol sa COVID-19 ay nanggagaling sa Department of Health (DOH), Food and Drug Administration (FDA) at iba pa na siyang pnagkukunan ng lahat ng mga reporter ng media companies, kabilang na ang mga dating reporter ng telebisyon at radyo ng ABS-CBN Corporation.

Ang pahayag ni Pangilinan ay paglabas ng kanyang suporta sa Senate Bill 1967 (S.B. 1967) na isinumite ni Senate President Vicente Sotto III nitong Enero 4.

Handa ang komite ng serbisyong publiko na pinamumunuan ni Senadora Mary Grace Poe na talakayin ang nasabing S.B.

Ngunit, alam ng mga senador kabilang sina Pangilinan at Sotto na balewala ang pag-uusap sa Senado hinggil sa prangkisa ng isang kumpanya ng media, telekomunikasyon at ibang kaugnay na korporasyon kung hindi kikilos ang Kamara de Representantes.

Nakasaad sa Konstitusyon na ang panukalang batas tungkol sa prangkisa tulad ng hinihingi ng ABS-CBN Corporation ay magsisimula sa Kamara.

Matatandaang ipinaalala kamakalawa ni Atty. Lorenzo “Larry” Gadon na hindi dapat bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN Corporation kung hindi malulutas ang napakaraming paglabag nito sa mga batas ng bansa, kabilang ang hindi pagbabayad ng tamang buwis at pag-aari ng mga dayuhang negosyante. (NELSON S. BADILLA)

144

Related posts

Leave a Comment