NAG-ABISO ang Malakanyang na hindi kasiguraduhan na sa sandaling makapasok sa bansa sa Hulyo ang bakuna sa covid ng Pfizer ay puwede na itong maging available sa lahat ng gustong magpabakuna ng nabanggit na brand.
Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa reaksiyon ng ilang sektor sa kanyang naging pahayag na huwag nang maging pihikan pa sa pagpili ng bakuna.
Aniya, bagamat posibleng maging available na ang Pfizer sa July, hindi pa rin lahat ay puwedeng piliin ang naturang brand dahil hindi aniya ito magagamit sa mga probinsiya dulot ng kakulangan sa pasilidad.
Negative 70 aniya ang kailangang temperatura nito at tanging Maynila, Cebu at Davao umano ang mayroong cold storage facilities kung saan maaaring iimbak ang vaccine ng Pfizer.
Aniya, ganito ang sitwasyong hinaharap ngunit kung ang pag-uusapan ay kasalukuyang senaryo, sadya aniyang wala tayong choice o alternatibo dahil Sinovac lang ang paparating simula Pebrero hanggang buwan ng Hunyo.
Ang NCR, CAR at Davao Region ay ilan lamang aniya sa mga mauunang lugar kung saan ikakasa ang pagbabakuna. (CHRISTIAN DALE)
121
