SUPPORTERS NI RISA BINANATAN SI BAM

KINUYOG ng mga kilalang tagasuporta ni Sen. Risa Hontiveros si Senador Bam Aquino sa kanyang posisyon na kung maaari ay dito sa Pilipinas gawin ang paglilitis kay dating pangulong Rodrigo Duterte at iba pang sangkot sa extrajudicial killings (EJKs) at hindi sa International Criminal Court sa The Netherlands.

Kinondena nina Antonio Trillanes at Ronald Llamas ang posisyon ni Aquino kahit pa sinabi ng Senador na nirerespeto nito ang proseso ng ICC.

Kapwa sinusuportahan nina Llamas at Trillanes si Hontiveros para tumakbong presidente sa 2028.

“Yung ideal ba parang expectation vs reality? Ideally, may paninindigan ka pero imagination mo lang pala,” banat ni Llamas kay Aquino sa isang Facebook post.

Para naman kay Trillanes, tila nagbibida-bida lang si Aquino matapos ang siyam na taong pananahimik at kawalang aksyon noong kasagsagan ng EJK.

“Para maliwanag, Sen. Bam, kung talagang naniniwala kang dapat dito litisin ang mga EJK cases, kinasuhan mo ba sa local courts si Digong at iba pang co-perpetrators nung mga panahong iyun?” tanong ni Trillanes kay Aquino.

“Besides, alam rin naman natin na ang justice system dito ay far from ideal lalo na sa mga makapangyarihan, so para saan pa ang statement mo?” dagdag pa niya.

Tinawag din ni Trillanes na papogi sa mga DDS ang pahayag ni Aquino habang nasasakripisyo ang kapakanan ng mga pamilya ng mga biktima.

Muli ring inulit ni Trillanes ang sinabi sa kanya ni Aquino sa kampanya noong 2022 na hindi nila ipadadala ni dating Vice President Leni Robredo si Duterte sa The Hague kahit may arrest warrant ito mula sa ICC.

“Ngayon, napatunayan na nagsasabi ako ng totoo dahil galing na mismo kay Sen. Bam,” ani Trillanes.

Tinutulak nina Llamas at Trillanes si Risa Hontiveros na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028.

1

Related posts

Leave a Comment