35 nadagdag sa positibo sa Valenzuela MALABON PANDEMIC FATALITIES: 237

BINAWIAN ng buhay ang isang COVID-19 patient sa Barangay Acacia, Malabon City noong Enero 17, ang ika-237 namatay sa dahil sa pandemya sa lungsod.

Bukod dito, ayon sa City Health Department, tatlo ang nadagdag na confirmed cases at 6,177 na ang positive cases, 70 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Acacia (1), Ibaba (1) at Muzon (1).

Dalawang pasyente naman mula sa Barangay Tonsuya ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 5,870 na ang recovered patients sa Malabon.

Samantala, umabot na sa 8,932 ang confirmed cases sa Valenzuela City at 218 ang active cases makaraang 35 ang madagdag sa bagong kaso, habang 30 ang gumaling.

Sa kabilang dako, isa ang bagong nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod ng Navotas habang dalawa naman ang gumaling. (ALAIN AJERO)

116

Related posts

Leave a Comment