MABILIS NA PAGGALING, PANALANGIN NG PCOO KAY ARCHBISHOP PALMA

NAGPAABOT ng panalangin ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) para sa agarang paggaling at pagbuti ng kalusugan ni Cebu Archbishop Jose Palma na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar, nakikiisa rin sila sa mga tapat na Katoliko na nagdarasal para sa pagbuti ni Archbishop Palma.

Hangad aniya nila ang mabilis na paggaling ni Archbishop Palma upang maipagpatuloy nito ang kanyang religious obligations at magsilbing inspirasyon sa Catholic community na manatiling nakikipaglaban sa COVID-19 at tumulong sa “healing and recovery” bilang isang bansa.

Sa ulat, humihingi ng panalangin ang simbahang Katoliko sa agarang ikagagaling ni Archbishop Palma na nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma ni Cebu Archdiocese spokesman Monsignor Joseph Tan ang kalagayan ni Palma, dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Nasa pangangalaga ng Perpetual Succor Hospital ang arsobispo at nasa maayos naman umanong kondisyon.

Nasabihan na rin nila ang mga taong nakahalubilo ng arsobispo upang makapag-self quarantine at sumailalim sa COVID-19 test. (CHRISTIAN DALE)

320

Related posts

Leave a Comment