Ni Ann Esternon
Ang an-an (tinea versicolor) ay isang uri ng sakit sa balat. Ang sakit na ito ay dala ng fungal infection o fungus na hindi makontrol ang dami ngunit ito ay hindi nakahahawa.
Ang itsura nito ay patches sa balat na kulay puti (o darker) na parang mapa (maaaring bumalot sa malaking bahagi ng katawan) kumpara sa ibang natural na kulay ng balat. Ito rin ay makati at parang nagkakaliskis.
Nagkakaroon ng an-an kapag tayo ay may oily skin, pawisin, mahina ang immune system (o pag-inom ng medikasyon na nagpapahina sa resistensya) o may hormonal changes at maaaring makuha kung tayo ay namamalagi sa mainit na lugar o tirahan.
Kahit sino ay maaaring magkaroon ng an-an lalo na sa edad na teens o young adults at ito ay madalas na makita sa braso, dibdib, leeg o likod.
Ang fungus na tinea versicolor ay maaaring makaapekto kahit sa healthy skin. Nagkakaroon lamang ng problema kapag ito ay dumami o hindi na makontrol
REMEDYO SA AN-AN
Kailangang masuri ng doktor ang balat para malaman kung ito ay mayroong an-an.
Ang gamutan ay maaarin skin o oral treatment.
Ang anti-fungal creams, lotion o shampoo ay makakatulong rito base sa nireseta ng doktor. Kahit pa nagamot na ang sakit, ang nasirang kulay ng balat ay hindi agad mababalik na maaaring tumagal ng ilang linggo o buwan.
