Naitala sa loob ng 24-oras 35 NEW COVID-19 CASES SA TAGAYTAY

TAGAYTAY City – Nakapagtala ng 35 bagong positibong kaso ng COVID-19 ang lungsod sa nakalipas na 24-oras.

Batay sa Facebook post ng local government ng Tagaytay nitong Biyernes ng umaga, 25 sa mga nagpositibo ay galing sa lamay sa Barangay Tolentino West, at 19 ang taga roon mismo sa nasabing barangay.

Anim sa mga ito ay senior citizen, kabilang ang isang 67-anyos na babaeng religious worker.

Ang pagtaas ng bilang ng kaso sa lungsod ay naitala isang araw lang matapos ipag-utos ni Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino ang mahigpit na pagpapatupad ng mga regulasyon para mahadlangan ang pagkalat ng nakahahawang virus.

Kabilang sa ipinatutupad na mga probisyon ni Tolentino ang pagtatakda ng tatlong araw lamang na lamay para sa isang namatay na dadaluhan lamang ng malalapit na kapamilya ng yumao, kasabay nang mahigpit na pagsunod sa health and safety protocols.

Ngunit kapag COVID-19 ang ikinamatay ng yumao, agad iki-cremate ang labi batay sa protocol ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Ang Tagaytay na nasa ilalim ng MGCQ, ay nakapagtala ng kabuuang 318 kaso ng COVID-19, sa bilang na ito ay 51 ay aktibo.

Nasa pito na ang naitalang nasawi sa lungsod mula pa noong Marso nakaraang taon. (NILOU DEL CARMEN)

87

Related posts

Leave a Comment