Top to bottom assessment ng PNP hirit ng solon RESHUFFLE ‘DI EPEKTIBO SA PATAYAN

IKINAALARMA ng mababang kapulungan ng Kongreso ang sunod-sunod na patayan sa bansa kaya naniniwala itong hindi nakatutulong ang balasahan sa Philippine National Police para matigil ang nasabing karahasan.

Ayon kay Deputy Speaker Bienvenido Abante, hindi na katanggap-tanggap ang “unabated waves of brutality, bullets, and bloodshed that have plagued the nation in recent months”.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil mistulang walang indikasyon na matitigil ang patayan matapos itumba nitong Huwebes sa Tagapul-an, Samar si Rev. Dioscoro “Jet” Tan Jr., chairman ng Conservative Baptist Association of the Philippines (CBAP) Region 8.

Ang pagpatay kay Tan ay nangyari 10 araw matapos ang umano’y ambush ng mga miyembro ng Samar Provincial Police Office kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino sa nasabing siyudad.

“The senseless deaths by themselves are tragic; but another tragedy is how our people are possibly becoming inured and desensitized to all these killings,” ani Abante na isa ring bishop.

Matapos patayin si Aquino ay siyam na aktibista naman ang napatay sa operasyon ng mga awtoridad laban sa mga militanteng grupo sa Southern Tagalog Region matapos umanong manlaban habang sinisilbihan ng search warrant.

Bukod dito ang pagpatay ng hindi kilalang mga suspek sa iba’t ibang bahagi ng bansa na hindi nareresolba ng pulisya.

Kailangang pag-aralan na umano kung epektibo ang ginagawa ng PNP na tinatanggal lamang ang police officials sa isang lugar na nagkaroon ng patayan dahil sa kabila nito ay tuloy-tuloy pa rin ang patayang nangyayari tulad sa Samar.

“Mukhang kailangan nang masinsinan na top to bottom assessment ng PNP at law enforcement infrastructure. Is it a leadership issue? A systemic issue? We need to find out so we can address these issues,” dagdag pa ng mambabatas.

 

BINIRA NI GORDON

Samantala, may banat din si Senador Richard Gordon sa mga pulis na aniya’y naliligaw ng landas.

Ayon sa senador, malakas ang loob ng ilang pulis na naliligaw ng landas at lumalabag sa batas, kung minsan ay pumapatay pa dahil marami sa kanila ang nakalulusot at naaabswelto sa kaso.

Bahagi ito ng post ni Gordon sa kanyang social media account nitong Huwebes.

Anuya, imbes matanggal sa trabaho, ang iba ay promoted pa.

“We need to put a stop to killings involving rogue cops and put them behind bars,” dagdag ni Gordon. (BERNARD TAGUINOD/JOEL O. AMONGO)

134

Related posts

Leave a Comment