STEAM CAMPAIGN

MARAMING nagse-share sa social media ng mga paraan para labanan ang coronavirus tulad ng steam theraphy kahit noong nagsimula pa lamang manalasa ang virus na ito na nagmula sa Wuhan, China.

Ngayon ay malala na naman ang sitwasyon dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 na iba-iba na ang klase o variant sa kabila na daan-daang bilyong piso na ang nagastos ng ­gobyerno.

Kaya muling ibinabahagi lalo na sa social media kung papaano nakakatulong ang steam theraphy.

Ang virus daw ay nakatago sa likod ng paranasal sinus sa loob ng tatlo hanggang apat na araw na kung hindi mawala ay pupunta sa lalamunan na nagiging dahilan kaya hirap kang huminga.

Para patayin ang virus, kailangan kang mag-steam o yung maglagay ka ng mainit na tubig sa planggana at kumuha ng mala­king tuwalya o kumot at isaklob mo sa ulo at yung init tubig ay langhapin mo sa pamamagitan ng ilong at bunganga.

Ang init na umaabot sa 60 degree celcius ay makapagpapahina raw sa virus at mamamatay naman ng tuluyan sa init 70 degree celcius at alam daw ito ng mga public health department pero hindi ibinabahagi dahil may gustong magsamantala sa pandemyang ito.

Kaya hinihikayat ang mga tao na mag-steam sa loob ng isang linggo at dalawang beses kada araw o isa sa umaga at isa sa gabi para maproteksyunan sa “killer virus from China”.

Kung galing ka sa palengke, pag-uwi mo mag-steam ka dalawang beses sa isang araw at kung galing ka naman sa opisina at mayroon kang nakasalamuhang mga tao ay tatlong beses sa isang araw ka naman mag-steam.

Tingin ko wala namang mawawala kung gagawin natin ito dahil wala namang side effect ang paglanghap sa singaw ng mainit na tubig bagkus ay nakakaganda nga ito sa paghinga at kutis sa mukha.

Ang totoo ay isa nang tradisyon hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang mga bansa sa Asya na kapag nilalagnat ang isang tao ay pinag-i-steam sila para pagpawisan nang husto at pagkatapos nun ay giginhawa na ang pakiramdam.

May mga tao nga na nilalagyan nila ng kung anu-anong dahon ng mga maaasim na prutas ang pinapakuluang tubig na gagamitin sa pag-steam para lalong guminhawa ang parakiramdam.

Yung iba naman ay asin, suka at vicks lang ang inilalagay sa planggana bago ibuhos ang kumukulong tubig para langhapin pero ang importante, malanghap mo ang singaw ng mainit na tubig.

Hanggang ngayon gi­na­gawa pa rin yan sa probinsya, kaya kung may tatawag sa’yo mula sa lalawigan nang malaman na may sakit ka, ang agad na ipapayo sayo ay mag-steam ka.

Sabi sa mga post sa social media, kung mag-steam campaign ang gob­yerno o hikayatin ang publiko na mag-steam tiyak na maglalaho ang virus na ito sa ating bansa.

Bakit nga hindi? Kung nakatutulong naman talaga, bakit hindi kumbinsihin ang mga tao na mag-steam dahil wala namang gastos dyan ang pamahalaan habang naghihintay ng bakuna na hindi naman natin alam kung kailan talaga darating.

Hindi na natin kaya kung hihintayin natin ang 2023 bago makamit ang herd immunity at tuluyang makalaya ang bansa sa virus na ito na galing sa Wuhan, China.

Itinatago rin ng China ang kanilang sikreto sa pagresolba sa virus na ito pero may mga ­impormasyon na bumalik sila sa traditional medicine…ang steam theraphy kaya umarangkada pa rin ang kanilang ekonomiya habang ­nagdudusa ang buong mundo sa ­pandemya.

141

Related posts

Leave a Comment