HINDI maaaring gamiting palusot ng mga pasaway ang paggamit sa 2nd home address sa mga lugar na labas sa bubble area para lamang makaiwas sa ipinatutupad ngayong paghihigpit ng pamahalaan.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kailangang matiyak dito kung ano ang 2nd home sa primary residence.
Aniya, maaaring ikatwiran na may tirahan ang isang indibidwal o pamilya sa probinsiyang hindi sakop ng bubble area kaya’t ang konsepto ng domicile and resident ang magiging basehan sa naturang argumento.
Sa pagkakataong ito aniya ay bibigyang bigat ang pagiging residente lalo na’t ang mahigpit na binabantayan ay ang paglilimita sa galaw ng mga indibidwal sa kanilang nasasakupang lugar.
(CHRISTIAN DALE)
