PALASYO AT SIMBAHAN NAGKAAYOS NA

PLANTSADO na ang maliit na mis-understanding ng Malakanyang at Simbahan na nag-ugat sa pastoral letter na inisyu ng pamunuan ng Simbahang Katolika ukol sa pagpapahintulot nitong makapagsimba ang kanilang miyembro ng hanggang 10% capacity.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, pumagitna na kasi si DOJ Secretary Menardo Guevarra kaya’t nagkaliwanagan ang magkabilang panig.

Tiniyak ng Kalihim na wala nang problema.

Sinabi ni Sec. Roque na si Guevarra, bilang nakatalagang makipag-ugnayan sa religious groups ay nagsabi na ang stand ng Simbahang Katolika ay ang sumunod sa IATF Resolution na wala munang mass gathering kasama na ang alinmang religious activity. (CHRISTIAN DALE)

221

Related posts

Leave a Comment