APRUBADO na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang naging kahilingan ng Professional Regulation Commission na makapagsagawa ng licensure examination.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, binigyan na ng basbas ng IATF ang PRC para gawin ang licensure exam sa buwan ng Mayo at Hunyo.
Ani Sec. Roque, ang mga kukuha ng pagsusulit na magmumula sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine ay hindi naman hinihikayat na magbiyahe sa mga area kung saan nakataas ang MGCQ.
Ito’y upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 transmission.
Pinaalalahanan naman ng Malakanyang ang mga kukuha ng pagsusulit na sundin ang strict health measures. (CHRISTIAN DALE)
145
