Suspek sa pagpatay sa pulis Maynila PUMALAG SA ARESTO PATAY

NAPATAY ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD)

ang isang murder suspect na umano’y lider ng Tiatco crime group, nang pumalag habang sinisilbihan ng arrest warrant sa Tondo, Manila nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang napatay na suspek na si Rommel Tiatco y Vicente, nasa hustong gulang, may live-in partner, at residente sa #441 Inocencio St., Barangay 93, Tondo.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., hepe ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team, (SMaRT) bandang alas-8:30 ng umaga, bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Marivic Balisic Umali ng Regional Trial Court, Branch 20 ng Manila, ay tinungo ng mga awtoridad ang bahay ng suspek para arestuhin sa kasong murder.

Kasama ni Ibay sina P/Major Ceciro Pura, hepe ng MPD-District Special Operation Unit, P/Cpt. Jervis Soriano at P/Cpt. Henry Navarro, hepe ng MPD-Homicide Section, sa nasabing operasyon.

Ngunit pumalag umano ang suspek na nagresulta sa palitan ng putok na ikinamatay nito.

Ayon sa report ni Ibay, si Tiatco ay sangkot sa pagpatay kay

P/SSgt. Dranreb Cipriano. (RENE CRISOSTOMO)

127

Related posts

Leave a Comment