NABUKING ang pagkakabilang sa drug watchlist ng isang 33-anyos na lalaki makaraang mahuli sa curfew at makumpiskahan ng umano’y shabu sa Binondo, Manila noong Sabado.
Bunsod nito, bukod sa kasong paglabag sa ordinansa, nahaharap din sa
kasong paglabag sa pag-iingat ng ilegal na droga ang suspek na kinilalang si Bryan Brinson, ng #565 Delpan St., Brgy. 286, Binondo, nakumpiskahan ng isang gramo ng shabu na P6,800 ang halaga.
Base sa ulat ng MPD-Station 11, nagsagawa ng Oplan Sita ang mga awtoridad sa panulukan ng Escolta at Paredes streets sa Binondo bandang alas-10:00 ng gabi.
Nang sitahin at kapkapan ang suspek ay nakumpiskahan ito ng isang sachet ng umano’y shabu. (RENE CRISOSTOMO)
222
