(NI BERNARD TAGUINOD)
DAHIL sa katamaran at kawala ng sigasig ng Social Security System (SSS), wala pa sa kalahati sa 36 million miyembro nito ang nagbabayad ng kontribusyon kaya hindi nakakapagtatakang umiiksi ang buhay ng pension fund na ito ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
Ito ang isiniwalat ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos sa Zarate matapos lumabas sa datos ng SSS na 15 milyon lang sa 36 milyon ang nagbayad o nakolektahan ng kontribusyon noong 2017.
“As it is, with its low collection rate, only 42% of its members are shouldering the entire cost of the SSS fund life requirement. Hindi ba unfair sa kanila to have to pay higher premiums just because SSS can’t collect from the 58% na hindi nakokolektahan,” ani Zarate.
Hindi sinisisi ng mambabatas ng mga hindi nagbabayad ng kanilang kontribusyon dahil malamang ay kinakaltasan sila ng kanilang mga employers subalit hindi inireremit sa SSS.
Ginawa ng kongresista ang pahayag matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas sa SSS kung saan pinayagan ito na magtaas ng kontribusyon mula sa kasalukuyang 11% sa 12% simula 2020, 13% sa 2021, 14% sa 2024 at 15% sa 2025.
231