Babala ni Defensor sa planong pagbili ng karagdagang Remdesivir GRAFT CASE NAKAUMANG SA DOH OFFICIALS

(BERNARD TAGUINOD)

BINALAAN ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang mga opisyal ng Department of Health (DOH) na mahaharap ang mga ito sa kasong katiwalian kapag itinuloy ang pagbili ng karagdagang supply ng Remdesivir.

Ginawa ni Defensor ang babala matapos ianunsyo ng DOH na naglaan ng P1 billion ang Disease Prevention and Control Bureau (DPCB) para sa additional stock ng nasabing gamit dahil nauubos na umano ang supply nito.

“We consider all new purchases of remdesivir as reckless and foolish spending in light of the WHO recommendation, and considering that government is scrounging for money to buy more COVID-19 vaccines and to pay for the P2,000 cash aid for every Filipino contemplated under the Bayanihan 3 bill,” ani Defensor.

Ayon kay Defensor, mismong ang World Health Organization (WHO) ang nagsabi na walang pruweba na nakagagamot sa COVID-19 ang Remdesivir kaya hindi nila ito inirekomendang gamitin noong Nobyembre 2020 pa.

“All further purchases of Remdesivir – after the WHO came out with its adverse recommendation – may be deemed as transactions highly detrimental to the government under the Anti-Graft and Corrupt Practices Act,” ayon pa sa mambabatas.

“The potential liability is there, regardless whether the officials involved profited or not from the procurement,” dagdag pa ng dating chairman ng House committee on health.

Sinabi pa nito na kapag itinuloy ng DOH officials ang pagbili ng nasabing gamot at makasuhan ng paglabag sa anti-graft and practices act ay mahaharap ang mga ito sa parusang 10 taong pagkakabilanggo at diskwalipikasyon sa public offices.

 

Pondo sayang lang

Nanghihinayang naman si Deputy Speaker Lito Atienza dahil tila itinatapon lamang umano ng DOH ang pondo ng bayan sa paggastos sa gamot na ito na ipinagbawal ng WHO.

“Other wealthy nations can throw their money away on Remdesivir if they want to, but in our case, we simply can’t afford to,” ayon pa sa mambabatas kaya dapat itigil aniya ng DOH ang pagbili ng karagdagang supply ng nasabing gamot.

Nababahala rin umano ang WHO na sa paggamit ng napakamahal na gamot laban sa COVID-19 ay matutuyuan ang kaban ng isang bansa lalo na ang mahihirap tulad ng Pilipinas.

Ang bawat vial ng remdesivir ay ibinebenta sa mga COVID-19 patient ng P8,000 hanggang P48,000 bawat vial depende sa brand nito na hindi umano kaya ng mga ordinaryong mamamayan.

Nagtataka rin ang mambabatas kung bakit masyadong pinapaboran ng DOH ang remdesivir subalit hindi pinapansin ang mga gamot na marami nang patunay na nakagagamot at nabibili lamang ng P35 hanggang P40 kada tableta.

“Wasteful double standard of promoting a very expensive investigational drug such as Remdesivir, while stonewalling other potential low-priced treatments, including human-grade Ivermectin that costs only P35 to P40 per capsule,” ayon pa sa mambabatas.

119

Related posts

Leave a Comment