MAHIGIT kalahating milyong piso o eksaktong P506,193,974.26 ang naipon nang halaga na dapat bayaran ng Globaltech Online Gaming Corp., ito ay batay sa estimasyon ng Branch Operations Sector ng Philippine Cha-rity Sweepstakes Office (PCSO). Ang halaga ay kasama na ang “penalty charges”.
Ang halagang ‘yan ay marami sana ang matutulu-ngan na mga kababayan nating maysakit at kapuspalad na maaayudahan ng PCSO.
Ang Globaltech ang pasimuno sa kontrobersyal na “peryahan ng bayan” kahit na ito ay mahigpit na pinagbabawalan ng PCSO dahil pumaso na ang Deed of Authority (DOA) ng natu-rang kompanya noon pang Marso 2016.
Batay pa rin sa dokumento ng PCSO, ang lugar kung saan sakop lamang ng peryahan pero hindi na puwedeng paglaruan pa ay ang Quezon City, Pangasinan, Oriental Mindoro, Marinduque, Palawan, Rizal, Catanduanes, Negros Occidental, Cebu, Bohol, Agusan del Norte, Davao del Sur, Misamis Oriental, South Cotabato, at Zamboanga del Sur.
Ang nakakapanggigil ay pinapalabas umano sa pamamagitan ng “media spinners” na buong bansa ang sakop ng peryahan at may “congressional approval” pa raw, kesyo ang peryahan daw ang legal at hindi ang Small Town Lottery (STL) ng PCSO, at anu-ano pang kasiraan maitago lamang ang katotohanan na pumaso na ang DOA ng peryahan.”
Sa tingin ko, wala naman sanang problema sa peryahan na inaprubahan bilang isang klase ng awto-risadong palarong loterya ng PCSO kung naging tapat at tumupad lamang sana ang Globaltech sa kontratang pinasok at pinirmahan nito. Palibhasa ang nasa likod ng kontrata ay isang talamak na gambling lord at may i-lang kasabwat na personalidad sa larangan ng politika at ilan sa kanila ay kilalang-kilala dahil sa kaugnayan nila sa mga nakaraang administrasyon. At hindi kayo uubra sa kasalukuyang liderato ng PCSO dahil buo ang suporta sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte!
Eto pa, ilan sa mga ito ay tumatakbo ngayon bilang kandidato sa Halalang 2019. Isa rito ay napag-utusan noon ng naging pangulo ng bansa na gumawa ng paraan para makabalik sa bansa ang pinakanotoryus na gambling lord sa jueteng. At nakabalik sa bansa ang gambling lord at malaya uling nag-illegal numbers game!
Ang laban sa pagitan ng PCSO at Globaltech hinggil sa peryahan ay naging u-saping legal na. “No brainer” naman kung bakit umabot sa ganito ang sana’y simpleng pagdisiplina lang naman sana sa isang suwail na kontratista. Pati ilang korte kasi sa ating bansa ay nasusukluban na rin ng katiwalian, pera-pera na ang hustisya. Nakakalungkot, di po ba?
At para sa kaalaman ng mga pasimuno ng peryahan, may sariling Charter (Republic Act No. 1169) ang PCSO para gumawa ng pa-larong loterya, kasama na rito ang peryahan, at may kapangyarihan din itong patigilin ang isang kontratista ng kanyang palaro kapag ang huli ay lumabag sa panuntunan nang itinakda ng PCSO.
Ang PCSO ay nasa ilalim ng Office of the President (OP). (Bago to! / FLORANTE S. SOLMERIN)
162