Matagumpay na naipasa ng Bureau of Customs (BOC) Port of Manila (POM) ang first stage ng International Organization for Standardization (ISO) Audit na ginanap noong nakaraang Mayo 20, 2021.
Dahil dito, ay inirekomenda na ang BOC Port of Manila (POM) para sa Stage 2 ng ISO Audit.
Ang audit ay isinagawa ng External Auditor mula TUV SUD para ma-evaluate kung ang POM ay nakasunod sa requirements para sa ISO 9001:2015 Quality Management System (QMS) Certification.
Ang audit ay bahagi ng proseso para makuha ang nasabing ISO certification.
Si POM District Collector Michael Angelo Vargas, kasama ang port’s top management at process owners, ay aktibong nakiisa sa panahon ng buong durasyon ng ISO audit.
Ang BOC Port of Manila ay patuloy sa kanilang pagpo-promote ng standardization ng mga proseso, transparency, at epektibong customs services sa kanilang stakeholders bilang mandato ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Dahil dito, inaasahan na makakasabay na ang Bureau of Customs (BOC) sa pagdaigdigang pamantayan para sa kalakalan.
(Jo Calim)
181 