3 SA 4 SUSPEK SA MARINE BIOLOGIST KILLING, ARESTADO

ARESTADO ang tatlo sa apat na mga suspek sa pagpaslang sa American marine biologist na si Kent Carpenter sa Negros Oriental.

Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information chief, PCol. Allen Rae Co, naaresto ang mga suspek noong Miyerkoles ng gabi sa Sibulan, Negros Occidental.

Kabilang sa mga inaresto ay sina alyas “MO” na siyang gunman, “JF” na gumahasa umano sa kasintahan ni Carpenter, at “CD” na look-out sa krimen.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang isa pa sa mga suspek na hindi pa batid ang partisipasyon sa krimen.

Robbery naman ang nakikitang motibo sa krimen at walang kinalaman sa trabaho ng biktima.

(TOTO NABAJA)

71

Related posts

Leave a Comment