3RD BATCH NG SPUTNIK V COVID-19 VACCINES KLINARO NG BOC

Ni JOEL O. AMONGO

Muling klinaro ng Bureau of Customs-Port of NAIA (BOC-NAIA) ang ikatlong batch ng Sputnik V COVID-19 vaccines, na naglalaman ng 50,000 doses, na dumating via Qatar airlines mula Moscow, Russia noong Mayo 30, 2021.

Ang nasabing shipment ay naka-consigned sa Department of Health (DOH) na dumating via Flight No. QR928 saTerminal 3 dakong alas 10:31 ng gabi at pre-cleared noong Mayo 29 sa COVID-19 One-Stop-Shop ng BOC-NAIA.

Ang Sputnik V vaccine ay gawa ng Russia-based Gamaleya Institute.

Nauna rito, noong nakaraang Marso ang Food and Drug Administration (FDA) ay nagbigay ng approval sa Sputnik V COVID-19 vaccine para sa emergency use.

Kasalukuyan ito ay pang 3rd batch ng Sputnik V COVID-19 vaccines kasunod ng first at second arrivals na pawang 15,000 doses at pang 15th batch ng COVID-19 vaccines na klinaro ng Bureau of Customs.

Sina National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr, IATF Chair at Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlo ang sumaksi sa pagdating ng nabanggit na mga bakuna.

Kamakailan kabilang sa mga bakuna na klinaro ng BOC ay ang 5.5 million doses ng Sinovac, 2.556 million doses ng AstraZeneca, at 193,050 doses ng Pfizer.

Ang BOC-NAIA, sa ilalim ng direksyon ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ay tiniyak na ang COVID-19 vaccine shipments ay bibigyan ng prayoridad at pinabilis ang pagbibigay ng clearance para sa national at public interest.

Kasama sa mandato ng Bureau of Customs ay ang magtakda ng clearance sa bakunang paparating sa pamamagitan ng patuloy na kahusayan at pagsunod sa kanilang mga mandato.

Kasabay nito, tiniyak ni District Collector Carmelita Talusan, sa publiko na mananatili sila sa matatag na pagsisikap upang matiyak na maihahatid agad ang mga bakuna sa dapat na pagdadalhan nito.

 

196

Related posts

Leave a Comment