Bago sumabak sa FIBA OQT GILAS MAY TUNE-UP SA CHINA

Ni ANN ENCARNACION

MAGKAKASUBUKAN ang Gilas Pilipinas at China ngayong (Miyerkoles) hapon sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga para sa isang tune-up game bago tumulak ang national team para sa FIBA Olympic ­Qualifying Tournament.

Naging matagumpay ang kampanya ng Gilas sa FIBA Asia Cup Qualifiers kung saan naprotektahan nito ang imakuladang 6-0 record sa final window matapos ma-two games sweep ang Korea at dominahin ang Indonesia.

Ngunit hindi pa tapos ang trabaho ng Gilas, na matapos ang tune-up sa China ay lilipad kinabukasan para sa FIBA OQT sa Serbia.

Nakatakdang sumailalim muna sa RT-PCR tests ngayong alas-9 ng umaga ang pambansang koponan bago harapin ang China sa alas-4:30 ng hapon.

Naipanalo ng China ang apat na laro nito sa third window ng FIBA Asia Cup qualifiers matapos tig-dalawang beses na talunin ang Japan at Chinese Taipei.

Hunyo 24 ang biyahe ng Gilas pa-Belgrade para sa Hunyo 30 na tapatan nila ng host Serbia at kontra Dominican Republic sa Hulyo 1. Ang top two teams ang uusad sa playoffs sa Hulyo 3.

Sinabi ni Gilas head coach at SBP program director Tab Baldwin na hindi pa napa-finalize ang 12-man lineup sa OQT.

“I think we’ll be taking either 12 or 13 players but we haven’t made a final decision on that yet but ­obviously we’re only allowed to play 12, we can’t do what we did here and change the roster,” wika nito.

Subalit inamin ni Baldwin na malamang na halos walang mabago sa young Gilas line-up sa Asia Cup qualifiers at FIBA OQT

179

Related posts

Leave a Comment