Ni JOEL O. AMONGOSIYAM na milyong pisong halaga ng mga sariwang sibuyas ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Subic (BOC–Subic) nitong Hunyo 14.
Dumating sa Port of Subic noong Mayo 29 ang nasabing mga pulang sibuyas na minarkahang “Bill of Lading No. 022BA08118”.
Ayon sa BOC, GINGARNION AGRI Trading ang consignee ng mga nasabing imported agricultural product.
Idineklarang “fresh yellow onions” ang sibuyas nang iproseso ito noong Hunyo 8.
Ngunit, nadiskubre sa masusing pagsisiyasat ng mga tauhan ng BOC – Subic na fresh red onions ang produktong ipapadala sa GINGARNION AGRI Trading.
Natukoy ding walang Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) ang consignee mula sa Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry (DA – BPI).
Kaagapay ng BOC – Subic ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at ang Enforcement and Security Service (ESS) at mga tauhan ng DA – BPI sa pagharang sa milyun-milyong halaga ng mga sibuyas.
Tiniyak naman ng Port of Subic, sa pamumuno ni District Collector Maritess Martin na patuloy na gagampan ang Port of Subic laban sa smuggling alinsunod sa direktiba ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
150
