‘BETTER’ CHRISTMAS SA MGA PINOY TINIYAK NG MALAKANYANG

KUMPIYANSA ang Malakanyang na mararanasan ng mamamayang Filipino ang “better” Christmas ngayong taon sa kabila ng presensya ng mas maraming nakahahawang Delta coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant.

“Confident pa rin tayo for a better Christmas,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Pinanghawakan ni Sec. Roque ang 10 milyon indibidwal na nakatanggap na ng bakuna laban sa COVID-19 sa buong bansa.

“We have exceeded the 10 million mark for vaccination. And we’re confident that with more supplies of the vaccine coming in, mas maraming mabibigyan ng proteksyon and we can move towards containment and a better Christmas this year,” ayon kay Sec. Roque.

Tinatayang 7,538,128 mula sa bilang na 10,065,414 indibidwal ang nakatanggap na ng kanilang first dose ng COVID-19 vaccine, habang ang natitira namang 2,527,286 ay “fully vaccinated” na “as of June 27.”

Sa kabila ng natuklasang bagong COVID-19 variants, tiniyak naman ni Sec. Roque na na-manage ng pamahalaan ang kamakailan lamang na surge ng coronavirus infections sa National Capital Region (NCR) Plus 8 sa pamamagitan ng pagpaprayoridad sa mga ito sa vaccine deployment.

Ang NCR Plus 8 ay kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Metro Cebu, Metro Davao, Batangas, at Pampanga.

“We have managed the Covid cases in Metro Manila Plus 8 na naging kuta talaga ng COVID-19,” ayon kay Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

168

Related posts

Leave a Comment