EZCONSULT NG QC PALPAK

TULUYANG nang pinutol ng Quezon City government noong Martes ang kanilang kontrata sa Zuellig Pharma Corporation’s booking services, EzConsult, matapos ang sunod-sunod na kapalpakang technical na naranasan ng QCitizens.

Ginawa ito ng local government ng Quezon City nang hindi masiyahan ang QCitizens dahil sa pagkakaroon ng “queuing system” sa pagbo-book ng slot, na nagdulot ng maraming oras na paghihintay.

“We have already given Zuellig ample time to improve their system upon their request and yet their system has crashed again for the 9th time. We don’t want to cause undue stress to our constituents who only want to register for vaccination,” ani Mayor Joy Belmonte.

Kamakailan, nag-isyu ng ultimatum ang QC government sa Zuellig para ayusin agad ang kanilang system at ibigay ang lahat nang dapat nilang ibigay.

Ayon kay City Attorney Orlando Casimiro, ang Zuellig ay lumabag sa kanilang kontrata na napagkasunduan bilang contractual obligations sa siyudad matapos na hindi nila maihatid nang tama ang kanilang ipinangako para ayusin ang kanilang serbisyo na kanilang napagkasunduan.

Sa ilalim ng Section 9 ng kasunduan, ang Zuellig ay nararapat na magbayad ng liquidated damages ‘amounting to one tenth’ ng one percent ng contract price para sa bawat araw ng pagka-delay hanggang makumpleto ang nasabing proyekto.

Simula noong Marso 27, 2021, ang EzConsult ay may nai-report na maraming technical difficulties na nagdulot sa city government sa pagka-delay sa pagbibigay ng bakuna sa kanilang mga residente sa tamang oras.

Kaugnay nito, ang city government ay ikinukunsidera ang pagsasampa ng civil at criminal charges laban sa kontratista dahil hindi natupad ang kanilang contractual obligation.

Samantala, nanawagan si Belmonte sa mga residente na nahihirapang magrehistro sa EzConsult website, na magrehistro na lamang sa city government-assisted QC Vax Easy portal https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy. (JOEL O. AMONGO)

130

Related posts

Leave a Comment