“CHASE the vision, not the reward.” Ayon kay Zambales Provincial Director P/Col. Romano V. Cardiño matapos na mahuli ng kanyang mga tauhan ang magkakamag-anak na umano’y pawang mga tulak ng ilegal na droga noong Lunes sa Subic, Zambales.
Ayon report na natanggap ni Col. Cardiño, nagkasa ng masusing intelligence operation bago inilunsad ang buy-bust operation laban sa mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlo katao at pagkakasamsam ng ilegal na droga at mga baril.
Bandang alas-2:30 ng madaling araw nang isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng PNP-Zambales Subic Municipal Police Station, na pinamumunuan ni P/Major San Juan Felmar Aquino, katuwang ang PDEU-Zambales PPO, ang anti-narcotics operation laban sa magkakamag anak na umano’y mga drug pusher sa Brgy. Naugsol, Subic, Zambales.
Kinilala ang mga nadakip na sina Hamlet Bautista Crucillo, na kabilang sa drug watchlist; Alexandra Bautista Crucillo at Marlon Dela Cruz San Jose.
Matapos na magpositibo ang buy-bust operation ay sinalakay ng mga pulis ang hideout ng grupo at nadiskubre ang ilang pirasong baril at mga bala.
Bukod sa ilang gramo ng shabu, nakumpiska rin ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang isang long rifle caliber .22, improvised cal. .22 short rifle, at isang caliber .38 revolver.
Ayon kay Col. Cardiño, “In addressing the drug menace, it’s either you shape up or ship out. We have already passed the stage of acknowledging the problem and our expeditious efforts have been rewarded with the number of arrests. We are committed to our sworn duty and the danger that goes with it does not change our demeanor.” (JESSE KABEL)
156 