OBIENA, WATANABE PH OLYMPICS FLAG BEARERS

Ni ANN ENCARNACION

IT’S final! Sina EJ Obiena at Kiyomi Watanabe ang flag bearers ng Pilipinas sa Tokyo Olympics.

Ito ang ipinahayag ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino sa virtual press conference kahapon.

Aniya, deserving lahat ang 19 Pinoy Olympic qualifiers ngunit kinonsidera ng POC kung sino ang mga mauunang dumating sa venue, na ang opening rites ay nakatakda sa Hulyo 24.

Si Obiena ay darating sa Tokyo sa Hulyo 23 bagama’t sa 31 pa ang kompetisyon niya, habang nakabase si Watanabe sa Japan.

Naunang napaulat na tumanggi ang Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na maging flag ­bearer sa Olympics ang pambato nitong si Caloy Yulo.

Dahil sa istriktong safety and health protocol dulot ng COVID-19 pandemic, lima katao lamang (sa ­pangunguna ng flag bearer) bawat bansa ang kasama sa tradisyunal na parada sa pagbubukas ng 32nd Olympics.

Sinabi ni Team Pilipinas Chef de Mission Mariano “Nonong” Araneta, walang choice kundi piliin kung sino ang available athlete para maging flag bearer.

Kinonsidera rin ang mga unang sasabak sa kompetisyon na sina Filipino boxers Eumir Marcial, Nesthy Petecio, Irish Magno at Carlo Paalam.

Si Petecio ay gold ­medallist sa 2019 AIBA Women’s World Boxing Championships, habang si Marcial ay beterano ng 2015, 2017 at 2019 Southeast Asian Games.

EJ OBIENA, ANGAT SA MUNDO

MULA No. 10, umakyat sa No. 6 sa world ranking ang pambato ng bansa sa Olympics pole vault na si Ernest John “EJ” Obiena.

Kinikilalang No. 1 pole vaulter sa Asia, naungusan na ni Obiena ang Olympic champion at kasama sa training na si Thiago Braz ng Brazil na nasa ika-pitong puwesto.

Nangunguna pa rin si world champion Armand Duplantis ng Sweden, kasunod si Sam Kendricks ng USA, Piotr Lisek ng Poland (1443), Renaud Lavillenie ng France, at Christopher Nilsen ng USA.

Pang-walo si Valentin Lavillenie ng France, 9th si Cole Walsh ng USA at si Pawel Wojciechowski ng Poland ang pumalit sa ­dating puwesto ni Obiena.

177

Related posts

Leave a Comment