BINABANTAYANG LPA GANAP NANG BAGYO

GANAP nang bagyo ang namataang Low Pressure Area (LPA) at kahapon ay pumasok na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa ulat ng PAGASA.

Namataan ang weather disturbance na ito sa layong 1,240 kilometers sa silangan ng hilagang Luzon. Tatawagin itong bagyong Fabian.

Ayon kay Ana Clauren ng PAGASA, bagaman maaring lumakas at maging tropical cyclone, hindi ito inaasahang tatama sa lupa base na rin sa kanilang forecast track.

Maaring palakasin pa ng namumuong bagyo ang southwest monsoon o habagat, na magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Kahapon, nagdulot ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog sa Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Zambales at Bataan ang LPA.

Naranasan din sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ang mga pag-ulan dulot ng habagat at localized thunderstorms. (TJ DELOS REYES)

401

Related posts

Leave a Comment