OLYMPICS GOLD, GOAL NI DIDAL

Ni VT ROMANO

BIBITBITIN ni Margielyn Didal ang pagiging ‘golden girl’ sa Ariake Sports Park ngayong araw para sa inisyal staging ng skateboard competition sa ­Tokyo Games.

Sa inaugural skateboard event sa Asian Games at Southeast Asian Games, nagpakitang-gilas si Didal at nagbulsa ng gintong medalya.

Naging bukambibig ang pangalan niya mula sa kanyang golden performances sa 2018 Asiad sa Palembang. Sinundan niya ito ng golden feat nang sumunod na taong SEA Games kung saan nag-overall champion ang Pilipinas.

Target ni Didal na kuminang din ang pangalan sa pagsabak sa isa sa apat na event ng skateboarding na noon ay sa kalsada lang napapanood ngunit ngayon ay magde-debut sa Olympics.

“Kumbaga sa basketball, dati half-court lang ang inilalaro mo, ngayon full court na,” lahad ni Skateboard Pilipinas president Carl Sambrano.

“The duration is the same. It’s still 45 seconds but in a bigger play,” dagdag ni Sambrano.

Magsisimula ang women’s prelims 7:30 ng umaga (Manila time). Kinahapunan ng 1:30 ang finals.

169

Related posts

Leave a Comment