(NI BETH JULIAN)
PINAG-AARALAN na ng gobyerno ang babalangkasing kasunduan sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Kasunod ito ng pagpupulong sa Malacanang noong Lunes ng gabi nina Pangulong Rodrigo Duterte at MNLF founding chairman Nur Misuari.
Sinabi ng Pangulo na napapanahon na para magkaroon ng isang hiwalay na entity ang MNLF matapos unang maitatag ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na pansamantalang pinamumunuan ngayon ni MILF Chairman Al Haj Murad Ibrahim.
Naniniwala ang Pangulo na ang pagkakaroon ng sariling entity ng grupo ni Misuari ang tugon para matuldukan na ang matagal nang rebelyon at kaguluhan sa Mindanao.
Iginiit ng Pangulo na handa nang makiisa sa gobyerno at makipagtulungan si Misuari.
Sinabi nito na sa katunayan ay matagal nang panahon na itong naghihintay para sa magiging aksyon ng Pangulo partikular ang pagsusulong nito ng sistemang Pederismo.
157