(NI CHRISTIAN DALE) HANDA ang Malacanang na tapatan ang anumang banta ng rebelyon matapos magbabala si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chair Nur Misuari na bukas siya sa giyera kapag nabigo ang pamahalan na maitulak ang federal government sa bansa. Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mismo ang nagsapubliko ng plano ni Misuari kasabay ng pahayag ng pagbuo ng bagong negotiating panels na tatalakay sa pederalismo na gusto ng MNLF leader para sa mga Moro people. “Whatever the product of that discussion, they will have a one-on-one meeting. And then…
Read MoreTag: misuari
HIWALAY NA ENTITY NG MNLF INAAYOS NA
(NI BETH JULIAN) PINAG-AARALAN na ng gobyerno ang babalangkasing kasunduan sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF). Kasunod ito ng pagpupulong sa Malacanang noong Lunes ng gabi nina Pangulong Rodrigo Duterte at MNLF founding chairman Nur Misuari. Sinabi ng Pangulo na napapanahon na para magkaroon ng isang hiwalay na entity ang MNLF matapos unang maitatag ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na pansamantalang pinamumunuan ngayon ni MILF Chairman Al Haj Murad Ibrahim. Naniniwala ang Pangulo na ang pagkakaroon ng sariling entity ng grupo ni Misuari ang tugon para…
Read More