(NI BERNARD TAGUINOD)
UMAABOT sa walong milyong Filipino ang hindi rehistrado o walang birth certificate sa bansa.
Ito ang nabatid kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat kaya kailangang magkaroon aniya ng bagong batas sa civil registration upang ilibre na sa bayad ang late registration ng mga Filipino na hindi ma rehistrado.
“Biro mo, eight miillion Filipino are unregistered?,” ani Baguilat na isa sa mga nangangampanya ng libreng pagpaparehistro sa bansa lalo na sa mga mahihirap na pamilya.
Hindi biro aniya ang bilang na ito na kailangang matulungan sa lalong panahon ng gobyerno upang makatanggap ang mga ito ng serbisyo na nararapat at karapatan nilang matanggap.
“Pag walang birth registration , no enrolment, no employment, no services,” ayon pa sa mambabatas kaya hindi nakakapagtataka maraming Filipino ay hindi nakakapag-aral at hindi nakakatanggap ng serbisyo sa gobyerno.
Base sa mga report, karamihan sa mga hindi rehistrado ay nasa Mindanao at mga katutubo sa iba’t ibang panig ng bansa kaya dapat aniyang pagtuunan ito ng pansin ng gobyerno.
“So we are calling for a passage of a new national law on civil registration, waiving of fees on delayed registration, etc. Sabi ko baby pa lang, aktibista na,” pahayag pa ng kongresista.
Tinatayang nasa edad 0 hanggang 14 anyos ang batang hindi nairehistro kaya walang rekord ang mga ito ng kanilang birth certificate sa Philippine Statistic Administration (PSA).
Sa ngayon ay naglalaro na sa 107 million ang populasyon ng Pilipinas subalit hindi nilinaw kung kasama dito ang walong milyong hindi rehistrado.
229