CAMSUR VICE MAYOR KINASUHAN SA RENTA NG HEAVY EQUIPMENT

ombudsman1

(NI JEDI PIA REYES)

IDINIDIIN ngayon ng Office of the Ombudsman ang bise alkalde sa Camarines Sur makaraang pumasok umano sa kasunduan sa pagpapa-renta ng heavy equipment nuong siya pa ang nakaupong mayor.

Sa charge sheet na nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires at inihain sa Sandiganbayan, natukoy na lumabag si Pamplona Vice Mayor Gemino Imperial sa paglabag sa Section 3(e) at 3(g) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Inaakusahan si Imperial ng paglagda sa maanomalyang kontrata ng pagpapa-upa ng heavy equipment na back hoe at grader kay Rodolfo Pua nuong Enero 15, 2014.

Inalok umano ni Imperial si Pua na rental fee na P500 kada equipment ngunit natukoy ng Ombudsman na nasasaad sa municipal ordinance na P1,200 kada oras ng bawat equipment ang rental rate.

Naniniwala ang Ombudsman na ang naturang transaksyon ay nagpalugi sa gobyerno para paboran si Pua.

Aabot sa P180,000 ang inirekomendang piyansa sa mga kaso ni Imperial.

 

142

Related posts

Leave a Comment