SINGIL SA TUBIG BABABA NGAYONG ABRIL

tubig1

(NI JEDI PIA REYES/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

KINUMPIRMA ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pagtapyas sa singil ng mga water concessionaire na Manila Water at Maynilad sa darating na Abril.

Kasunod umano ito ng paglakas ng piso kontra US dollar at Japanese Yen.

Mangangahulugan ito na ang mga konsyumer ng Manila Water na kumukonsumo ng tubig na 10 cubic meters o pababa kada buwan ay makakatipid ng P1.21; sa mga may average consumption na 20 cubic meters ay makakatipid ng P2.69 at ang may konsumong 30 cubic meters kada buwan ay makatitipid naman ng P5.49.

Samantala, ang mga konsyumer ng Maynilad na gumagamit ng tubig na 10 cubic meters pababa ay makatitipid ng ng P0.20 simula sa Abril; nasa P0.75 naman ang mababawas sa mga kumukonsumo ng 20 cubic meters habang P1.54 ang tipid sa mga may konsumong tubig na 30 cubic meters.

Aminado si MWSS chief regulator Patrick Ty na maliit lang ang nabawas sa singil ngunit may epekto pa rin ito sa water bills ng publiko.

Magkakaroon na rin ang MWSS ng taunang pag-o-audit sa dalawang water concessionaires na makukumpleto sa loob ng 30 hanggang 60 araw. Layon nito na hikayatin ang Maynilad at Manila Water na bawasan ang kanilang paggastos.

Karaniwang ginagawa ng kada limang taon o higit pa ang auditing sa water concessionaires na tumatagal ng walong buwan ang proseso.

76

Related posts

Leave a Comment