NAGTALA ng kasaysayan ang 15-anyos na miyembro ng pambansang koponan na si Christopher Buraga matapos tanghaling No. 1 squash player sa Asia sa Boys Under 17.
Si Buraga, kaaakyat lamang sa Boys Under 17 category nang mag-15 taon noong Marso 8, ay nagtala ng total score na 643.50 ngayong Oktubre upang pamunuan ang Boys Under 17 ranking sa Asia.
Nakamit niya ito nang dominahin ang CMS Junior Open sa Borneo Sarawak, Malaysia at Lion City Junior Championship sa Singapore, kasama pa ang 2nd place finish sa Asian Junior Individual Championship sa Macau at 5th place sa Penang, Malaysia Junior Open.
Pumangalawa kay Buraga si Jat Tse ng Hong Kong sa 610.70 points, at pangatlo si Mohammad Hamza Khan ng Pakistan, 607.50 points.
Sinabi ni Squash president Robert Bachmann, isang asset si Buraga para sa Philippine Squash Team sa mga susunod na torneo kabilang ang Asian Games sa 2022. (ANN ENCARNACION)
161 