KASO VS IMPORTERS, CUSTOMS BROKERS

TATLONG naglalakihang importers at mga customs brokers ang nahaharap sa kasong kriminal kaugnay ng P12-milyong halaga ng mga kargamentong nasabat kamakailan sa daungan ng mga kalakal sa kabisera.

Patung-patong na asunto ang isinampa ng Bureau of Customs Action Team, Against Smugglers (BATAS) laban sa RJTH International Consumer Goods Trading, Clip Rite Industries, at Auream Agricultural Products Trading na pawang nagtangkang magpuslit ng iba’t ibang epektos na malayo sa kanilang idineklara.

Unang kinasuhan ng BATAS ang RJTH Trading para sa misdeclaration kaugnay ng P4.2-milyong halaga ng mga piyesa ng bisikletang ipinasok sa Port of Manila nito lamang nakaraang Hulyo.

Sumunod naman idinemanda ang Clip-Rite Industries para naman sa tangkang pagpupuslit ng P4.45-milyong halaga ng “aluminum profiles” sa Port of Manila pa rin noong buwan naman ng Agosto.

Sabit naman ang Auream Trading kaugnay ng P3.4-mil­yong halaga ng frozen mackerels na tinangka padaanin naman sa Manila International Container Port (MICP), noong buwan din ng Agosto.

Pagtitiyak ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, hindi pa riyan natatapos ang kanilang pagsasampa ng kabi-kabilang kaso laban sa mga aniya’y nagpipilit na umiwas sa karampatang buwis katumbas ng kanilang mga inaangkat ng produkto mula sa ibang bansa.

148

Related posts

Leave a Comment