BAGONG LUPON KONTRA TIWALI

MAGKATUWANG na bumuo ng isang lupon ang Bureau of Customs (BOC) at ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) para tuluyang lansagin ang mga nalalabing tiwali sa nasabing kawanihang nangangasiwa sa mga pumapasok at lumalabas na kalakal sa bansa.

Pamumunuan naman ni BOC assistant commissioner Vincent Philip Maronilla bagong tatag na BOC-PACC Command Group, kasama ang iba pang mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng kawanihan bilang miyembro ng mga komiteng may takdang atas na supilin ang anomalya sa kani-kanilang departamento.

Tututukan ng Project Kasangga ng PACC ang mga programa kontra anomalya ng mga naturang komite ng BOC-PACC Command Group.

Bahagi ng programa ang pagbalangkas ng inisyatibang naglalayong humanap ng solusyon sa patuloy na katiwalian sa kabila pa ng mga paghihigpit ng pamunuan ng nasabing kawanihan.

Mahigpit din babantayan ng Anti-Corruption Coordinating Committee ang iba’t ibang district collection offices kung saan pinaniniwalaang laganap ang korapsyon.

Nagbabala rin si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa mga BOC district collectors na tiyaking walang masisilip ang kanyang pahayag na hindi umano siya magdadalawang isip na irekomenda ang pagsibak sa sinumang mapapatunayang kakuntsaba ng mga sindikato sa likod ng smuggling activities sa kani-kanilang balwarte.

Inatasan din ni Guerrero ang mga district collectors na magsumite ng buwanang ulat kaugnay ng kanilang isinasagawang hakbang kontra katiwalian at mga datos na kailangan para sa mga kasong iniimbestigahan ng kanyang tanggapan.

162

Related posts

Leave a Comment