Kung ayaw magpabakuna REGULAR SWAB, ANTIGEN TEST SAGOT NG OBRERO

UPANG matiyak na magpapabakuna ang isandaang porsiyento ng mga manggagawa sa pribado at pampublikong mga tanggapan, oobligahin silang sumailalim sa regular na swab o antigen test bago papasukin sa trabaho.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, plano ng mga public at private employer na gawing mandatory ang vaccination laban sa COVID-19 ng kanilang mga empleyado.

Alinsunod din umano ito sa pinakahuling desisyon ng Inter-Agency Task Force o IATF partikular sa mga on-site personnel.

Ayon kay Roque, magiging requirement ito partikular na sa mga lugar na may sapat namang suplay ng COVID-19 vaccines.

Samantala, naglatag naman ng kondisyon ang IATF para sa mga empleyado na ayaw pa ring magpabakuna.

Bagaman, hindi sila tatanggalin sa kanilang trabaho ay kailangan naman silang sumailalim sa regular na swab o antigen test na sariling gastos at hindi sasagutin ng employer.

Magiging epektibo ang nabanggit na kautusan simula Disyembre 1, 2021.

Sa sektor naman ng mga pampublikong transportasyon, kailangan ding i-require ng kanilang mga pamunuan na fully vaccinated ang mga manggagawa bilang kondisyon sa pagpapatuloy ng kanilang operasyon.

Para naman sa mga pampubliko at pribadong establisimyento, pwede nilang tanggihan ang pagpasok o bigyan ng serbisyo ang mga indibidwal na hindi pa bakunado, o partially vaccinated lamang.

Hindi naman kasali rito ang nasa frontline at emergency services, kahit ano pa ang kanilang vaccination status para makapagpatuloy sila ng pagbibigay serbisyo sa publiko. (CHRISTIAN DALE)

154

Related posts

Leave a Comment