TINIYAK ng Senatae Sergeant At Arms na itutuloy nila ang paghahanap kay dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao.
Ayon kay OSAA chief Rene Samonte, ilang teams na rin nila ang naka-deploy sa Davao City at Cebu City upang tangkaing ihain ang warrant of arrest laban kay Lao.
Si Lao ay ipinaaaresto ng Senado kasunod ng pang-iisnab sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa sinasabing iregularidad sa procurement ng medical supplies.
Itinanggi ni Lao, dating namuno sa Procurement Service ng Department of Budget and Management ang mga alegasyon.
Sinabi ni Samonte na una nilang sinubukang arestuhin si Lao sa kanyang address sa Quezon City.
“The OSAA team led by Raul Herrera discovered two mailboxes assigned to condo units 324 and 326, the known residence(s) of Lao,” pahayag ni Samonte.
Gayunman, sinabi ni Herrera na ang Unit 324 ay bakante habang ang Unit 326 ay inookopahan ng isang empleyado ng Housing and Land Use Regulatory Board. (DANG SAMSON-GARCIA)
184
