PINAS KULELAT PA RIN SA COVID RESILIENCE RANKING

KULELAT pa rin sa ikatlong sunod na buwan ang Pilipinas sa pandemic resilience ng Bloomberg COVID-19 Resilience Ranking.

Binigyang katwiran naman ito ng Malakanyang at tinukoy ang kakulangan sa country-specific gauge at matinding kahalagahan ng reopening progress na dahilan kung bakit itinuturing na “worst” o kulelat ang bansa.

Tinukoy ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang COVID Resilience Ranking ng Bloomberg para sa buwan ng Nobyembre, na nagpapakita na ang Pilipinas ay napag-iiwanan sa 53 bansa sa resilience score na 43.1.

Ang indicators na ginamit ng Bloomberg ay kinabibilangan ng reopening progress, COVID-19 status, at kalidad ng buhay.

“We acknowledge that the data provided by Bloomberg in its COVID-19 Resilience Ranking may be useful in evaluating our pandemic response. [But] we have to consider that the 53 countries in the report have different COVID-19 experiences and strategies. There is little consideration for country-specific COVID-19 context, which in our view is imperative to objectively assess how countries managed pandemic response,” ayon kay Nograles.

“A case in point is the importance given by Bloomberg in reopening progress, which involves lockdown severity, flight capacity, and vaccinated travel routes,” dagdag na pahayag ni Nograles.

Tinukoy ni Nograles ang Alert Level System policy sa bansa na naging daan para bumaba ang bilang ng active COVID-19 cases kung saan mayroon lamang 425 bagong COVID-19 cases na naitala nitong Nobyembre 30 na itinuturing na pinakamababa ngayong 2021.

“On top of the positivity rate which is at 2.1% which is one of the lowest since testing data became available in April 2020 and well within the standard 5% set by the World Health Organization,” ani Nograles.

Bukod dito, iginiit din ni Nograles na 1.71% case fatality rate ng bansa ang nananatiling “one of the lowest,” kung saan ang Pilipinas ay nasa ranggong 84th sa buong mundo base sa Johns Hopkins University at walang overcrowding sa mga ospital sa bansa “with utilization rate registering all below 30% as of November 30, 2021.”

Idagdag pa rito, sinabi ni Nograles, ang three-day COVID-19 vaccination na inaasahang makapagbabakuna ng 9 milyong katao at 7.1% economic growth ng bansa sa third quarter na lagpas sa pagtatantiya.

Sa ulat, nananatiling kulelat ang Pilipinas pagdating sa Bloomberg COVID-19 resilience ranking para sa buwan ng Nobyembre.

Ito ay sa kabila ng tumataas na vaccination rate at bumababang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa pinakahuling report ng Bloomberg, nasa hulihan pa rin ang Pilipinas sa 53 na mga bansa na kasama sa listahan.

Nakuha ng bansa ang resilience score na 43.1 mas mataas sa 40.5 na score nito noong Oktubre.

Sa kabila nito, hindi pa rin gumalaw ang Pilipinas sa 53rd spot kasunod ng Indonesia, Vietnam at Malaysia.

Hinirang naman ang United Arab Emirates bilang “best place to live in during the pandemic” matapos makakuha ng resilience score na 73.2, sinundan ng Chile na may 72.6, Finland na may 71.3, Ireland na may score na 71.2, at Spain na may 70.9.

Nito lamang Oktubre, kulelat din ang Pilipinas sa hanay ng 53 bansa sa Bloomberg COVID-19 Resilience Ranking. (CHRISTIAN DALE)

211

Related posts

Leave a Comment