NILIMITAHAN ng pamahalaan ang publiko sa pagbili ng paracetamol at ilang flu medicines matapos magkaubusan sa ilang drugstores.
Sa katunayan, nagpalabas ang trade at health departments ng isang joint memorandum na nagtatakda ng limitadong pagbili ng paracetamol at carbocisteine.
Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, sa ilalim ng memorandum, ang isang indibidwal ay maaari lamang bumili ng 20 tablets ng 500-mg paracetamol, habang ang isang sambahayan o buong pamilya ay maaaring bumili ng 60 tableta.
Sa ipinakitang slideshow ni Nograles, makikita rito na ang gagawing pagbili sa 500-mg carbocisteine ay limitado lamang sa 20 capsule kada isang tao o 60 kada isang buong pamilya.
“Nakasaad din sa joint memorandum na ito na ipinagbabawal ang online selling ng mga nasabing gamot, unless otherwise permitted by the FDA,” ayon kay Nograles.
Ang Carbocisteine ay mucolytic na nakatutulong upang ilabas ang plema habang ang paracetamol naman ay gamot para sa sakit ng katawan at lagnat.
“Overwhelming demand” for paracetamol and some over-the-counter drugs around the end of December led to a “temporary stockout” in some pharmacies,” ayon sa trade department.
“It is actually a problem of stockout. Hindi po siya supply problem,” ang pahayag ni Trade Assistant Secretary Ann Claire Cabochan, noong Lunes sabay sabing ang isang local manufacturer ay maaaring mag-produce ng 60 milyong tableta sa loob ng isang buwan.
Nagsimula namang mag-replenish ang mga pangunahing pharmacies ng kanilang inventories noong Enero 5. (CHRISTIAN DALE)
474 